Ang Ibong Malaya

image

Some birds are not meant to be caged, that’s all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you. And the part of you that knows it was wrong to imprison them in the first place rejoices, but still, the place where you live is that much more drab and empty for their departure. -Shawshank Redemption

Ang Uncertainties

image

“Doubt is not a pleasant condition, but certainty is absurd.”

Sabi ni pareng Voltaire sa intro ng pelikulang Sana Dati.

“When you’re young you feel certain about a lot of things, as you grow older you learn to embrace uncertainties. You only crave certainty when you’re afraid of not knowing things pero yun nga, the more you mature the more you realize the world is so random and uncertainty is the only thing that’s out there and growing up is just letting go of the things you don’t have control over and focusing on the little things you can control.”

Sabi ni pareng Jerrold Tarog sa audio commentary ng pelikulang Sana Dati.

Ang Pelikulang Colorum

image

Juan Luca Marco, Writer
Pedro, Ex con

Eto yung part sa movie kung saan na udlot yung pagtangkang pagpapakamatay ni Juan dahil nagiba yung dingding at nasa kabilang dako si Pedro na naka posas sa dingding at  nagtatangkang tumakas.

(pagkatapos basahin ni Juan ang sulat ni Pedro para sa anak)

Juan: Baliw nga siguro akong writer, barumbado, ungas, tanga. Magaling akong manunulat pero wala akong maisulat. Para akong ballpen na nawalan ng tinta. Balon na natuyuan ng tubig. Asin na nawalan ng alat. Kung di ako makakapagsulat, Ano ako?

(Kumuha ng libro si Juan at pinagpupunit ang mga pahina nito)

Ito, Ito, Ito, Ito, Itong mga salitang ‘to, asan ba nila nakukuha ang mga p****nginang salitang ‘to? Buong buhay ko inalay ko sa pagsusulat. Buong buhay ko. Eh sila? Nagsusulat lang naman sila kung kelan nila gusto at nakuha pa nilang mamasyal, lumangoy, umibig. Akala nila dedikado na sila sa pagsusulat. Ako! Ako ang dedikado.

Pedro: Ano ba talagang problema mo?

Juan: Di mo maiintindihan, preso ka lang!

Pedro: Alam ko. Di mo na kailangang sabihin yan. Bat kailangan mo pang sabihin yan? Sa tingin mo kilala mo ang pagkatao ko? Sa tingin mo ikaw ang pinakamatalinong tao?

Juan: Sa tingin ko, sapat na ang mga nalalaman ko. Nagpakadalubhasa ako, Nagtapos ako ng mga kurso sa pagsusulat.

Pedro: Kahit sino pwedeng magsulat. Kahit ako. Kahit kami na mumunting preso, mga kriminal na sinasabi mo at wala akong pakialam kung ayaw o gusto ang naisusulat ko. Dahil di naman para sa’yo yun eh. Hindi ko naman kailangan ng diploma para sulatan ang anak ko. Naranasan ko na magsulat, Ikaw naranasan mo na ba maging preso? Naranasan mo na ba maging tatay?

Juan: Hindi

Pedro: Pwes! Danasin mo muna saka ka bumalik sakin para husgahan ako.

Juan: Magaling akong manunulat. Eh wala akong maisulat. Kapag di ako makapagsulat, Ano nalang ako?

Pedro: Papaano ka magpapakamatay? Kung minsan, Di ka pa nabubuhay.

Ang Pelikulang Sana Dati

image

Ngayon lang ata ako nakapanood ng pelikula kung saan gusto kong i-hug at the same time sampalin yung isang character.

Nanood ako ng Sana Dati kanina at dahil tinatamad akong hanapin ang remote ng dvd player kelangan kong panindigan yung pagiging tamad ko at panoorin ito ng straight, no pause, walang tayuan.

Ang story ay tungkol kay Andrea, na ikakasal sa taong di nya naman mahal na si Robert. Si Dennis naman yung videographer ng kasal nila na magpapaalala kay Andrea sa taong mahal nya, Si Andrew.

Kung titingnan mo yung story, napaka typical naman nya. Di na bago yung mga kasal-kasal sa pelikulang pilipino pero sa pelikulang ‘to para kang bibigyan ng baril na fully loaded sa umpisa  tapos di ka sasabihan kung kelan ito puputok, sino magpapaputok o saan banda ito ipapaputok. Tapos as the movie goes, makikita at mararamdaman mong unti unti nang na uubos yung bala ng baril. Oo, naubos yung bala ng baril ni pareng Jerrold Tarog na granada yung ginamit nya sa ending. Medyo OA pero nakaka ewan yung ending eh.

Aside sa nga-nga ending scene, Wala na atang paglalagayan ang feels ng pelikulang ito at kelangan talaga yung malamig na boses ni mareng Armi Millare na kumakanta ng Indak yung ending no?

Hay! Sana Dati, Paghinga’y nabibitin.