Ang Pagtakbo

Kailan man hindi naging madali ang pag alis sa mga naiiwan pero sinasabi ko hindi rin naman naging madali ang pag alis para sa mga nangiiwan.

Phlegmatic akong tao. Most of the time manhid. Manhid with feelings. Yung tipong napapansin ko ang mga bagay sa palibot ko, yung maliliit na pagbabago na akala mo hindi ko napapansin, napapansin ko yun. Hindi nga lang ako nagsasalita. Hindi nag rereact.

Ayaw na ayaw ng mga phleg ang changes.

Kaya naman sa halos 3 weeks mula ng bumalik ako dito sa Cebu. Hindi ako nagligpit ng gamit hanggang 3 days before ako aalis. Ala una na ng umaga hindi ko pa nalalagay ang mga natitirang gamit ko sa maleta. Eto ako nag susulat tungkol sa pagiwan.

Bat kasi di ako nag empake kanina no?

Runner kasi ako. Ako yung tipo ng tao na hindi agad agad hinaharap ang mga problema at bagay-bagay. Kung pwede ko muna itong takbuhan, ipagpaliban, kalimutan panandalian, gagawin ko.

Kaya naman kesa harapin ko ang tunay kong nadarama sa last day ko dito. Pinili kong mag photoshoot at mag praise night. One last time, takbuhan yung feeling ng finality sa pagliligpit ng mga natitirang gamit.

Runner ako eh. Paborito ko yung Jonah moments. Bingi-bingihan. Manhid-manhiran. Bulag-bulagan.

Kanina sa paghihiwalay namin ng Team Group Effort, malungkot. Yung tipong ang bigat ng hangin at syempre I did what I do best, tumalikod ako at unti-unting binilisan ang mga hakbang papauwi, tatakbo nanaman sana ako pero wala ng halaga ang pagbilis ng mga hakbang ko, naabutan na ako ng pilit kong tinatakbuhan. Dahil kung sa pabilisan lang, ayun nauna na, nahabol na ako ng mga luha ko.

Ang Pagpaparaya look

Nakuha ko na ang transcript of records ko, Nabili na rin ang bilin na dalawang kilong squid rings at medyo nakakahon na ang mga gamit ko.

Papunta na sana ako sa laundry shop para kunin ang pinalabada ng maisipan kong umupo muna sa  bakeshop at mag merienda.

Malayo ang tingin at ako’y nagiisip kung saan kukuha ng pandagdag na karton nang dumaan ang aming chief of clinics.

She gave me the look.

I have seen different kinds of “look” ever since I stopped dentistry. The panghihinayang look, the awa look, the “HA? ANYARE?” look, the “Seryooooso?” look, the “I’m proud of your decision” look, the “mahahanap mo rin ang sarili mo” look, the “after all these time?” look at marami pang iba.

Pero iba yung look na binigay ni Doc kanina, yung look na hindi judging. Yung look na hindi nagbibigay sakin ng “kasalanan bang maguluhan sa buhay” feels. Hindi sya yung titig na mapapakwestyon ako sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi yung look na nagsasabing “hoy, yung mga batchmates mo graduate na”.

Doc gave me the look she gave me when I first met her 7 years ago, the motherly look. The look that makes you feel “Everything will be alright”. The look that made me feel “It’s okay to not be okay”. Yung tipong tingin na binibigay ng mga nanay pag nakita nila yung anak nilang naninindigan sa isang  desisyon at wala na silang magawa kundi ngumiti at sumuporta. Yun na siguro ang “pagpaparaya” look.

O baka naman aliw na aliw lang si Doc nang makita nya akong nakapambahay, kumakain ng donut at umiinom ng softdrinks sa plastic, tambay style.