Ang Ligaya

image

Few minutes ago, the national dental board exam results was release at mga mem…DENTISTA NA YUNG MGA KABARKADA KO!

After quitting dentistry, I thought I will regret it once I saw my friends passing the boards. I thought that when this day comes I will see flashbacks of my dent life. But here I am with tears of joy and pigil na sigaw dahil sa excitement.

I was with them since day one and witnessed their struggles. The broke days because of trips to dental supply store. The stress of balancing classes and clinical works. I’ve seen them frustrated with agents and patients that went AWOL.  I’ve seen them weary from the countless “repeat”. I’ve seen them ranting. I’ve seen them sigh. I’ve seen them cry and now I see them succeed and my heart is bursting of pride and joy for them.

Tonight is a proof that God answers prayers and He is faithful to finish what He has started. Tonight is a proof that God answers prayers and He is not finish with me yet.

I can finally say this with much conviction. Mga mem, I have moved on.

Advertisements

Ang Tula ni Jeriboi

image

I know of sutures and streets
Of coffee that’s bittersweet
Of photo and those who smile,
Amidst their crooked teeth
Is joy bound to leave?
Or does it stay with those beneath?
Often sought, sometimes found
Joy must be somewhere not around

– Jeremiah Ablaza, 2014

Ito’y isang tula galing sa makata kong kaibigan pagkatapos ng isang coffee session about sa nawawalang joy sa detistry.

Kung nabitin kayo, check out his works here.

Ang Mga Demonyong Ayaw Akong Tantanan

image

Anim na buwan.

Anim na buwan mula noong tinakbuhan kita. I did not run away from dentistry (technically, I did) I ran away from you, at least I tried.

Sa mga nagtatanong, hindi naman yung kahirapan ng subjects sa dental medicine ang nagtulak sa akin sumuko eh. Pero hindi rin ibig sabihin madali ang mga subjects. Dahil mahirap po sila. Challenging. You’re studying to be a doctor in the span of six years, go figure.

“Dentistry? Bunot-bunot lang naman yan. Bat six years?”

Ay walang hiya. Hindi po bunot bunot lang ang dentistry. Hindi rin ito pasta pasta lang. Pipiliting mong matutunan sa loob ng apat na taon ang ilang taong pag-aaral tungkol sa ngipin at basics lang po ito. Hindi sapat ang four years proper para pag-aralan lahat.

Kaya hangga’t hindi mo nasubukan
mag dentistry wag kang humusga ng mga sumuko dito.

“Grabe, 2 takes di mo pa rin nakuhang pumasa sa subject na ‘yon?”

Mahirap pong pumasa sa lahat ng subject. Malimit kailangan ng season 2. Pero, pag nag season 2 ka hindi naman yung kaalaman mo sa subject ang magtutulak sa’yong kwestyunin yung pinag-aralan mo eh. Hello, pangalawang kuha mo na. Malamang ikaw yung pinakamatalino sa klase kasi alam mo na. Pero pag nag season 2 ka na kasi, Iba na yung tingin sa’yo ng clinical instructor nyo eh. Di ko alam kung talagang judgemental lang ba talaga sila o low lang talaga yung self-esteem ko. Pero hanggat hindi mo nasubukan mag dentistry at maging recipient ng ganoong klaseng look ng mga clinical instructor, please lang wag mong husgahan ang taong sinukuan ang dentistry.

“Anong meron sila na wala ka?”

Ito po ay isang tanong na nakakainit ng ulo. Manhid na ako dito. Alam kong madaling sabihin na “mas matalino kasi sila sa akin” pero alam ko sasagutin ako ng isa pang tanong (see next question) Sana madali mag explain ano? Pero paano ko ba ipapaliwanag yung mga pumapasang cheaters at pa easy-easy at yung mga bumabagsak na hindi na ngongopya. Hindi ko po kayang ipaliwanag. Kaya nyo ipaliwanag? Kung oo, sige maari nyo nang husgahan ang taong sinukuan ang kursong ito. yun ay pagkatapos nyong ma acomplish yung mga nabanggit na patakaran sa taas.

“Bat sila? nagagawa naman nilang pumasa, eh diba dean’s lister ka dati? Naging scholar ka pa nga!”

Mahirap pong magpatali sa nakaraan. Hindi ibig sabihin na naging dean’s lister ako wala na akong karapatan bumagsak. Normal lang naman ang bumagsak sa buhay. Mas marami akong natutunan sa mga subject na nag season 2 ako kesa sa mga one take lang. Hindi dahil inulit ko ha pero hindi naman related sa dentistry yung mga natutunan ko.
Marami akong natutunan tungkol sa buhay. Wew ang deep ko! Gaya na lamang ng

1. Wag na wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Magkaiba kayo. Period.

Nakakalason po ito.

2. Nasa paaralan ka para matuto hindi para matakot.

Hinding hindi ka matututo pag takot kang magkamali.

3. Mga mem! Hindi race eskwela. Hindi ito paunahan.

Hindi ka palaging mauuna, minsan mahuhuli ka pero tandaan na hindi ka disqualified.

Anim na buwan.

Anim na buwan mula noong tinakbuhan ko ang mga demonyong ito.

Mga demonyong nagpapaalala sa akin ng nakalipas ko. Nagpapaalala ng mga judging look ng mga CI, ng mga pagkukulang, ng mga disappointments, ng mga
failures na I can’t seem to shake off, ng mga doubts at ng mga “tama nga ata yung doubts nila sakin”.

Mga demonyong ayaw akong tantanan.

Pilit kong tinakbuhan ang mga ito. I tried to run away from the person I have become, insecure, underachiever, fearful. A person missing joy.

Pero nakakapagod na.
Ayoko ko na.

Akala ko sapat na yung anim na buwan para makatakas.

Pero eto pa rin ako sumisintas ng sapatos handa nanaman ulit tumakbo.

Ang Blogpost Na May Babala

image

Babala: Medyo madrama ang mga sumusunod na salita.

People close to me would know that I’m not so vocal with what I truly feel. Not in a group setting or conversation that is. I’d rather text or write it instead. Maybe it’s the thought of how fast words become when you speak. Unlike when you write it, you take time to choose and screen the words you use or maybe just because I’m too phlegmatic and nodding and agreeing is what I do best.

With that in thought, I realize hindi naman pala talaga manhid ang mga phleg. Sadyang di lang talaga kami marunong mag comfort. Kagaya nalang, pag umiyak ka sa harap ko. Wala akong gagawin. Di naman sa di ko napapansin o nararamdaman yung mga pinagdadaanan mo teh, Di ko lang talaga alam anong sasabihin at gagawin. Well, may alam akong gawin. Salamat sa psych friends ko (Hi, Jennerz and Nadz!) Wag na wag ka daw gumawa ng physical contact (eg. Rubbing of back) dahil di raw yung nakaka comfort at mapapa “it’s all coming back, so coming back to me now” raw yung umiiyak. Talagang sinusunod ko yun ‘no! Kaya iyakan nyo lang ako. Mag jjoke ako para di masyadong heavy pero pag uwi ko saka pa ako mag ttext ng mga seryosong mga bagay. Oo, ganoon ako phlegmatic na pagiisipan ko pa talaga kung anong sasabihin kaya naman napaisip ako, pag sinagot ko ba yung tanong na

“Bakit huminto ka ng Dentistry?”

Ng

“Hindi ako masaya dun eh!”

Would it be enough? Acceptable ba yung reason ko? My happiness matters naman siguro, ano?

Sabi ko naman sa inyo, medyo madrama ‘to.

Ang Hirap

image

May mga araw na confidently beautiful with a heart kong sinasabi na babalikan at dudurugin ko ang Dent at mapapasakin ang huling halakhak pero may mga araw din na kagaya ngayon na bumabalik lahat ng feels at ako ang dinudurog ng Dent.

Ginising ako ng tatay ko para mag duty sa isang clinic. Ang hirap.

Nakailang buntong hininga muna ako in between sa pagsampay ng mga bagong laba, pag sangag ng natirang kanin kagabi at pagtapon ng basura sa labas. Before ko finally hinindian yung offer.

Ewan ko ba parang di ko pa feel humawak ulit ng mga dental  instruments. Alam mo yung feeling na baka nakalimutan mo na ang gagawin?

Sabi nga nila paano mo malalaman kung hindi mo i-try. Paano mo maaalala kung hindi ka mag practice ulit. Ang hirap.

Nakakafrustrate yung hindi ko alam gagawin ko ‘no?

Ang hirap kasi baka babalikan ko lang ‘tong dental medicine kasi nakasanayan ko na. Kasi wala pa akong maisip gawin. Kasi eto lang alam kong gawin. Kasi sayang. Kasi saan naman ako makaka hanap ng ibang course na ccredit yung oral surgery, oral anatomy, endodontics, periodontology at iba pa. Ang hirap kaya.

Sabi nila the hands remember what the heart forgets. Sana effective ‘tong pag pen grasp ko ng forcep, nagbabaka sakaling may ma grasp pa kahit ang hirap.

Ang Pagpaparaya look

Nakuha ko na ang transcript of records ko, Nabili na rin ang bilin na dalawang kilong squid rings at medyo nakakahon na ang mga gamit ko.

Papunta na sana ako sa laundry shop para kunin ang pinalabada ng maisipan kong umupo muna sa  bakeshop at mag merienda.

Malayo ang tingin at ako’y nagiisip kung saan kukuha ng pandagdag na karton nang dumaan ang aming chief of clinics.

She gave me the look.

I have seen different kinds of “look” ever since I stopped dentistry. The panghihinayang look, the awa look, the “HA? ANYARE?” look, the “Seryooooso?” look, the “I’m proud of your decision” look, the “mahahanap mo rin ang sarili mo” look, the “after all these time?” look at marami pang iba.

Pero iba yung look na binigay ni Doc kanina, yung look na hindi judging. Yung look na hindi nagbibigay sakin ng “kasalanan bang maguluhan sa buhay” feels. Hindi sya yung titig na mapapakwestyon ako sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi yung look na nagsasabing “hoy, yung mga batchmates mo graduate na”.

Doc gave me the look she gave me when I first met her 7 years ago, the motherly look. The look that makes you feel “Everything will be alright”. The look that made me feel “It’s okay to not be okay”. Yung tipong tingin na binibigay ng mga nanay pag nakita nila yung anak nilang naninindigan sa isang  desisyon at wala na silang magawa kundi ngumiti at sumuporta. Yun na siguro ang “pagpaparaya” look.

O baka naman aliw na aliw lang si Doc nang makita nya akong nakapambahay, kumakain ng donut at umiinom ng softdrinks sa plastic, tambay style.