Ang Tula ni Jeriboi

image

I know of sutures and streets
Of coffee that’s bittersweet
Of photo and those who smile,
Amidst their crooked teeth
Is joy bound to leave?
Or does it stay with those beneath?
Often sought, sometimes found
Joy must be somewhere not around

– Jeremiah Ablaza, 2014

Ito’y isang tula galing sa makata kong kaibigan pagkatapos ng isang coffee session about sa nawawalang joy sa detistry.

Kung nabitin kayo, check out his works here.

Ang Ibong Malaya

image

Some birds are not meant to be caged, that’s all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you. And the part of you that knows it was wrong to imprison them in the first place rejoices, but still, the place where you live is that much more drab and empty for their departure. -Shawshank Redemption

Ang Mga Demonyong Ayaw Akong Tantanan

image

Anim na buwan.

Anim na buwan mula noong tinakbuhan kita. I did not run away from dentistry (technically, I did) I ran away from you, at least I tried.

Sa mga nagtatanong, hindi naman yung kahirapan ng subjects sa dental medicine ang nagtulak sa akin sumuko eh. Pero hindi rin ibig sabihin madali ang mga subjects. Dahil mahirap po sila. Challenging. You’re studying to be a doctor in the span of six years, go figure.

“Dentistry? Bunot-bunot lang naman yan. Bat six years?”

Ay walang hiya. Hindi po bunot bunot lang ang dentistry. Hindi rin ito pasta pasta lang. Pipiliting mong matutunan sa loob ng apat na taon ang ilang taong pag-aaral tungkol sa ngipin at basics lang po ito. Hindi sapat ang four years proper para pag-aralan lahat.

Kaya hangga’t hindi mo nasubukan
mag dentistry wag kang humusga ng mga sumuko dito.

“Grabe, 2 takes di mo pa rin nakuhang pumasa sa subject na ‘yon?”

Mahirap pong pumasa sa lahat ng subject. Malimit kailangan ng season 2. Pero, pag nag season 2 ka hindi naman yung kaalaman mo sa subject ang magtutulak sa’yong kwestyunin yung pinag-aralan mo eh. Hello, pangalawang kuha mo na. Malamang ikaw yung pinakamatalino sa klase kasi alam mo na. Pero pag nag season 2 ka na kasi, Iba na yung tingin sa’yo ng clinical instructor nyo eh. Di ko alam kung talagang judgemental lang ba talaga sila o low lang talaga yung self-esteem ko. Pero hanggat hindi mo nasubukan mag dentistry at maging recipient ng ganoong klaseng look ng mga clinical instructor, please lang wag mong husgahan ang taong sinukuan ang dentistry.

“Anong meron sila na wala ka?”

Ito po ay isang tanong na nakakainit ng ulo. Manhid na ako dito. Alam kong madaling sabihin na “mas matalino kasi sila sa akin” pero alam ko sasagutin ako ng isa pang tanong (see next question) Sana madali mag explain ano? Pero paano ko ba ipapaliwanag yung mga pumapasang cheaters at pa easy-easy at yung mga bumabagsak na hindi na ngongopya. Hindi ko po kayang ipaliwanag. Kaya nyo ipaliwanag? Kung oo, sige maari nyo nang husgahan ang taong sinukuan ang kursong ito. yun ay pagkatapos nyong ma acomplish yung mga nabanggit na patakaran sa taas.

“Bat sila? nagagawa naman nilang pumasa, eh diba dean’s lister ka dati? Naging scholar ka pa nga!”

Mahirap pong magpatali sa nakaraan. Hindi ibig sabihin na naging dean’s lister ako wala na akong karapatan bumagsak. Normal lang naman ang bumagsak sa buhay. Mas marami akong natutunan sa mga subject na nag season 2 ako kesa sa mga one take lang. Hindi dahil inulit ko ha pero hindi naman related sa dentistry yung mga natutunan ko.
Marami akong natutunan tungkol sa buhay. Wew ang deep ko! Gaya na lamang ng

1. Wag na wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Magkaiba kayo. Period.

Nakakalason po ito.

2. Nasa paaralan ka para matuto hindi para matakot.

Hinding hindi ka matututo pag takot kang magkamali.

3. Mga mem! Hindi race eskwela. Hindi ito paunahan.

Hindi ka palaging mauuna, minsan mahuhuli ka pero tandaan na hindi ka disqualified.

Anim na buwan.

Anim na buwan mula noong tinakbuhan ko ang mga demonyong ito.

Mga demonyong nagpapaalala sa akin ng nakalipas ko. Nagpapaalala ng mga judging look ng mga CI, ng mga pagkukulang, ng mga disappointments, ng mga
failures na I can’t seem to shake off, ng mga doubts at ng mga “tama nga ata yung doubts nila sakin”.

Mga demonyong ayaw akong tantanan.

Pilit kong tinakbuhan ang mga ito. I tried to run away from the person I have become, insecure, underachiever, fearful. A person missing joy.

Pero nakakapagod na.
Ayoko ko na.

Akala ko sapat na yung anim na buwan para makatakas.

Pero eto pa rin ako sumisintas ng sapatos handa nanaman ulit tumakbo.

Ang Paborito kong Kambal

image

Actually, ang title sana ng post na ‘to ay Ang Malaya’t Maligaya at Ang Kapatid nya. Pero parang saling pusa naman yung kapatid. haha

One week ago, humingi ako ng picture kay pareng Krizia para sa birthday greeting ko may napili na kasi akong picture namin ni Jeriboi at kelangan kasing level yung pa art, art para ibigin effect na picture noh. Pero, di ko ginamit dito sa post ko kasi malabo akong tao.

Di ko ma point out kung kailan ako naging close sa dalawang ‘to siguro kagaya na rin ng hindi mo kailangan i point out ang pag inhale at exhale sa tuwing ika’y humihinga. Medyo pa deep ako.dito oh, pang cover up sa pagiging malabo.

Maligayang Kaarawan sa inyong dalawa Pare at Jeriboi!

At dahil bente na kayo, eto ang benteng mga bagay bagay kung bakit Philippians 1:3.

1. Sa mga gabing iginugol sa mga coffee shop, tea house, Jollibee, Mcdo, 7-eleven o kahit sa mga baitang sa gilid ng daan. O anong Ligaya.
2. Sa Team Group Effort. Sa hindi pagharap ng mga problema ng mag-isa.
3. Sa mga madidilim, mapuputik, madudulas na daanang ating nilakad na magkasama.
4. Sa mga street shoot na nakakagutom, nakakapagod pero walang kasing saya.
5. Sa pag test ng patience from time to time. Sa mga panahong naaalala kong ate pala ako. Salamat sa teachable hearts.
6. Sa mga overtime sa office, sa mga frustration sa printer at mga luha ng pagod sa mga “is this your best?” projects at syempre by God’s grace sa mga “best” projects na rin. What a joy to serve with you two.
7. Sa mga baconsilog, malingsilog, sisig take out at sa mga pagkain na nakakabusog sa kaluluwa.
8. Sa mga “we’re not broken just broke” days at pati na rin sa mga “we’re broken and broke” days at Jonah moments.
9. Sa mga Toys R Us at Rustan’s window shopping at sa mga videoke sessions. Sa mga ilang ulit na “umuwi ka na baby”, “you belong with me” at “sundo”. Sa mga awiting naglalabas ng mga salitang di natin mabigkas.
10. Sa mga pa art-art para ibigin. Sa mga TEDx talks, spoken words, Jason Magbanua at Mayad wedding videos. Sa creativity na hindi nyo hinayaan ikulong ko.
11. Sa mga jeepney at taxi rides pauwi. Sa 01K at 14D at sa mga “Kuya, Na ra tay i-drop sa unahan” Sa pagpapaalala na hindi natin tahanan ang mundong ito.
12. Sa mga Chippy na green, Piattos na green, Cheezy na hot & spicy at Lipton Red Tea. Na hindi ko pa rin nakakain ng sabay ulit, dahil iba ang lasa nito kung di Team Group Effort ang kasalo.
13. Sa mga malalakas na tawa at tahimik na pag tulo ng luha. Sa kaligayahan at kalungkutang hindi na kailangan ng mga salita.
14. Sa katahimikang hindi nakakabingi. Sa mga katahimikang hindi nangangailangan ng paliwanag.
15. Sa paglisan at hindi pag bago. Sa pananatiling kung ano kayo, kung ano tayo.
16. Sa paglabas sa comfort zone. Sa mga “kaya mo yan mem”. Sa supporta at pagtulak, sa hindi pag bitaw.
17. Sa pagsama sa hindi naging madaling paghahanap sa nawawalang Joy.
18. Sa mga kinakatakutang ayaw harapin, kinakatakutang hinaharap at kinakatakutang haharapin pa lang.
19. Sa mga sinagot, sinasagot at sasagutin pang mga panalangin.
20. Sa muling pagkikita, sa katiyakan at sabik. Sa paghintay at paniniwala. Sa pag-asang hindi takot umasa’t masaktan.

Muli, maligayang kaarawan sa paborito kong kambal. Mahal at Miss ko na kayo mga Mem!

Ang Huling Laro ni Pareng Kobe

image

Medyo emotional ako sa huling laro ni Kobe Bryant kanina. Oo, with matching luha sa mata at may bukol pa atang kasama pagkatapos kong mauntog ang ulo ko nung naka score sya para ibigay ang lead sa lakers sa huling minuto ng laro.

The 37 year old guy scored 60 points, which is an all time high in NBA history for a farewell game. He played for 42 minutes. Classic Kobe.

Medyo affected ako sa #MambaDay the last time I felt like this was when Olsen Racela retired from PBA.

Kobe’s love and dedication for the game is one the reason why he’s one of the G.O.A.T. for me. Come on people, remember when he tore his achilles? He hopped on the way to the bench, went back on the court to shoot & made the two free throws and walked refusing to be brought out in a stretcher to the locker room. Si kuya na ang hindi takot masaktan!

Earlier after the game, He was asked about what will he leave behind in the court. He was quick to answer: “My heart and soul” and surely it was his heart and soul that he will be leaving. Let me share to you his retirement announcement before this season started. Mga mem, OA lang pero feeling ko nakipag break sya sakin sa letter na ‘to HAHA

Dear Basketball,

From the moment I started rolling my dad’s tube socks
And shooting imaginary
Game-winning shots
In the Great Western Forum
I knew one thing was real:

I fell in love with you.
A love so deep
I gave you my all –
From my mind & body
To my spirit & soul.

As a six-year-old boy
Deeply in love with you
I never saw the end of the tunnel.
I only saw myself
Running out of one.

And so I ran.
I ran up and down every court
After every loose ball for you.
You asked for my hustle
I gave you my heart
Because it came with so much more.

I played through the sweat and hurt
Not because challenge called me
But because YOU called me.
I did everything for YOU
Because that’s what you do
When someone makes you feel as
Alive as you’ve made me feel.

You gave a six-year-old boy his Laker dream
And I’ll always love you for it.
But I can’t love you obsessively for much longer.
This season is all I have left to give.
My heart can take the pounding
My mind can handle the grind
But my body knows it’s time to say goodbye.

And that’s OK.
I’m ready to let you go.
I want you to know now
So we both can savor every moment we have left together.
The good and the bad.
We have given each other
All that we have.

And we both know, no matter what I do next
I’ll always be that kid
With the rolled up socks
Garbage can in the corner
:05 seconds on the clock
Ball in my hands.
5 … 4 … 3 … 2 … 1

Love you always,
Kobe

Mamba out.

Ang Sunday School sa Monday

image

Salamat naman at pag gising ko kaninang umaga nawala na ang LSS ko sa “Pag 3 pataas, Bonakid pre-school 3+” at sa Nestfruta x Whisper remix ko na “Guyaaaabanoooo…no, no, no, no, no check” but instead I started singing Sunday school songs.

Lakas maka throwback sa mga panahong patakbo-takbo lang ako sa palibot ng simbahan, walang problema maliban sa pagiging competitive sa Bible drills at kung halo-halo o batchoy ba ang kakainin after ng service.

Oh to be a Sunday School kid again!

Mga mem, tara sabaya nyo ako kumanta. Dahil napatunayan kong mahihirapan kang mag worry pag kumakanta ka ng sunday school songs at hymns.

I.

I’ve got a home in glory land that outshines the sun
I’ve got a home in glory land that outshines the sun
I’ve got a home in glory land that outshines the sun, look away beyond the blue.

Do Lord oh Do Lord, Oh Do Remember me
Do Lord oh Do Lord, Oh Do Remember me
Do Lord oh Do Lord, Oh Do Remember me, look away beyond the blue

I took Jesus as my Savior, you take Him too
I took Jesus as my Savior, you take Him too
I took Jesus as my Savior, you take Him too, look away beyond the blue.

II.

I’ve got the joy, joy, joy, joy down in my heart. (where?) Down in my heart (where?) Down in my heart.
I’ve got the joy, joy, joy, joy down in my heart (where?) Down in my heart to stay.

And I’m so happy, so very happy, I have the love of Jesus in my heart, Down in my heart.
And I’m so happy, so very happy, I have the love of Jesus in my heart, Down in my heart.

I’ve have the wonderful love of my blessed redeemer way down in the depths of my heart (where?) Way down in the depths of heart (where?) Way down in the depths of my heart.
I’ve have the wonderful love of my blessed redeemer way down in the depths of my heart (where?) Way down in the depths of heart to stay.

III.

I’m in the Lord’s army (yes sir!)
I’m in the Lord’s army (yes sir!)

I may never march in the infantry
Ride in the cavalry
Shoot the artillery
I may never zoom o’er the enemy
But I’m in the Lord’s army (yes sir!)

IV.

I am a C
I am a C-H
I am a C-H-R-I-S-T-I-A-N
For I have C-H-R-I-S-T
in my H-E-A-R-T
And I will L-I-V-E
E-T-E-R-N-A-L-L-Y

Minsan talaga yung mga kanta na gas gas na kakaulit yung mas magpapa alaala sa’yo ng mga simple truths in life, naalala ko habang paulit ulit kong kinanta ang “Yes,¬† Jesus loves me. YES! Jesus loves me. YES! Jesus loves me, the Bible tells me so!” minsan kasi madali kong¬† makalimutan.