Ang Paghinga

imag18342

“Life will hit you hard in the face, wait for you to get back up just so it can kick you in the stomach. But getting the wind knocked out of you is the only way to remind your lungs how much they like the taste of air.”
― Sarah Kay

Ang Pag-asa

imag1834aaa

Oo, may pag asa sa doldrums.

Kahit na mukha akong tanga na naghahanap ng payong kahit basang basa na ako. Kahit mukha akong nakakatawa sa pag re-reason out kung bakit kelangan ko muna magpatuyo bago ko uuwi sa Kanya.

No matter how foolish I am in the eyes of the Lord. Nandyan pa rin yung hope eh. Yung hope na mamalampasan ko rin ‘to at yung hope na uuwi din ako. Hope na makakauwi ako basa man o tuyo. Tanggap ako kahit nangitim na ako sa tagal ng pananatili sa ilalim ng araw sa gitna ng doldrums.

Nakakalula lang yung grace eh ‘no?

Yung pagmamahal na hindi ako bibitawan kahit matagal na  akong bumitaw. Yung pagpapatawad, di lang sa mga naging kasalanan ko kundi pati sa mga future ko pang katangahan at kasalanan. Yung paghabol sakin pag nag Jo-Jonah moments. Yung paghintay sakin na bumalik, yung paghintay na di napapagod. Yung paghintay na umaasa at puno ng pag-asa.

Hope that God is able to use this doldrums to do great things in my life.

Nakakalula lang yung grace eh ‘no?

Wala naman akong ginawa para maging deserving nito. Tara, sabayan nyo akong lumunok ng pride.

Ang Maligamgam

Alam mo yung feeling mo na okay ka naman. Okay naman yung ginagawa mo sa buhay, sa simbahan, sa bahay, sa eskwela o kaya sa trabaho. Okay naman yung byahe, di mo nga lang alam san ka patungo. O siguro alam mo san ka patungo pero lost ka kung paano ka makakapunta dun. Pero mahirap tanggapin sa sarili na nawawala ka kaya hala sige gorabells pa rin sa byahe. Diretso lang. Go lang ng go.

Sabi sa Fresh Air, doldrums daw tawag dito. Doldrums yung region malapit sa equator kung saan wala ka sa northern hemisphere kung saan mainit at wala ka rin sa southern hemisphere kung saan malamig. Nasa gitna ka, maligamgam.

Pilit na iniiwasan ng mga naglalayag ang doldrums, dito kasi walang buhay, walang hangin na iihip sa sail ng barko. Wala silang mapuntahan at malimit di na nakakaalis dito.

Ilang beses na rin ako na stuck sa doldrums. Exhibit A. Alam mo yung #HaveMercyDentistry. Isa ‘tong doldrum. Stuck ako. I’m lost.

At dahil hindi lang ako runner at ako ay escapist din kagaya ni Jonah instead of running to Jesus pagdumating yung bagyo at nasa doldrum ako tatakbo muna ako para maghanap ng payong, sabay reason na ay masyado na akong tumagal sa mga doldrum na ‘to, ay basang basa na ko dito sa bagyo magpapatuyo muna ako, Lord ha.

Napaka foolish ko ano?

Ang Pelikulang Sana Dati

image

Ngayon lang ata ako nakapanood ng pelikula kung saan gusto kong i-hug at the same time sampalin yung isang character.

Nanood ako ng Sana Dati kanina at dahil tinatamad akong hanapin ang remote ng dvd player kelangan kong panindigan yung pagiging tamad ko at panoorin ito ng straight, no pause, walang tayuan.

Ang story ay tungkol kay Andrea, na ikakasal sa taong di nya naman mahal na si Robert. Si Dennis naman yung videographer ng kasal nila na magpapaalala kay Andrea sa taong mahal nya, Si Andrew.

Kung titingnan mo yung story, napaka typical naman nya. Di na bago yung mga kasal-kasal sa pelikulang pilipino pero sa pelikulang ‘to para kang bibigyan ng baril na fully loaded sa umpisa  tapos di ka sasabihan kung kelan ito puputok, sino magpapaputok o saan banda ito ipapaputok. Tapos as the movie goes, makikita at mararamdaman mong unti unti nang na uubos yung bala ng baril. Oo, naubos yung bala ng baril ni pareng Jerrold Tarog na granada yung ginamit nya sa ending. Medyo OA pero nakaka ewan yung ending eh.

Aside sa nga-nga ending scene, Wala na atang paglalagayan ang feels ng pelikulang ito at kelangan talaga yung malamig na boses ni mareng Armi Millare na kumakanta ng Indak yung ending no?

Hay! Sana Dati, Paghinga’y nabibitin.

Ang Beauty in the Broken

image

Just because something is broken doesn’t mean it’s no good. Doesn’t mean you throw it away. It just means it’s broken, and broken is okay. I wanted to tell her that broken is still beautiful, still works, still wakes me in the morning, and at the end of every day past and those to come, I can love broken.

– Maggie, Charles Martin

Ang Pagmamahal

image

Why me, I wonder.

I’m the one with the mess, the one plagued by demons, the one with the smashed up heart. Nobody ever looked at me and thought that redemption was possible. Nobody except Him. I don’t understand it, maybe I never will. Maybe I never have to. Because all that’s left is gratitude, the non-stop thank you, and hope. The hope that I can be so much more than my brokenness because I mean something to someone.

Perhaps, that’s what happens when love finds you.

At the heart of the story of the cross is this:

God loves you. Even when you doubt that He exists, or when you have nothing to prove to Him that you deserve His love. God has always loved you so much that you were worth the cross.

– Walkthru: Reflections of Calvary