Ang Pagbabalik 2.0

image

Binalikan ko ang lugar
Binalikan ko ang simula
Kung saan kami unang nagkalat ngĀ  wax sa mga mesa,
Nag-practice sa mga phantom heads,
At nag agawan ng upuan.
Ang bintana ay inaagiw,
At ang sahig ay makintab kahit kupas na.

Bumalik ako sa lugar
Bumalik ako sa simula
Konti nalang ang kilala kong nag kakalat ng wax sa mga mesa,
Wala ng pumapansin sa mga phantom heads,
At ang mga upuan ay nakaligpit na,
Ang bintana ay puno ng agiw,
At ang sahig ay kupas na.

Bumalik ako,
Ngunit di ko na nabalikan ang feeling.

Advertisements

Ang Pagbabalik

For the first time since I quit dental school bumalik ako ng Dent building para tapusin ang pag process ng transcript of records.

May pa-welcome si Doc B na, “Maaaayaaa, What can I do for you?” medyo sarcastic pero mukhang excited naman syang makita ako ulit pagkatapos kong napag isipang iwan ang dental school two months ago.

Napa “Good morning, Doc” nalang ako sabay smile kahit deep inside gusto ko syang tanungin.

“Saan nga ba hinahanap ang mga nawawala? Sa lugar ba kung san mo ito nawala o Sa lugar kung san mo itong huling nasilayan.”

Masaya naman ako sa Dent noon, Diba? Hindi ba?